Umarangkada na simula ngayong araw, Lunes, ang sariling bus augmentation program ng Quezon City government.
Magkakaloob ng libreng sakay ang mga bus na bi-biyahe sa walong ruta sa lungsod ng Quezon.
Kabilang sa mga rutang ito ang mga sumusunod:
- Quezon City Hall — Cubao
- Quezon City Hall — Litex/IBP Road
- Welcome Rotonda — Aurora Boulevard/Katipunan
- Quezon City Hall — General Luis
- Quezon City Hall — Mindanao Avenue/Quirino
- Quezon City Hall — Gilmore
- Quezon City Hall — C5/Ortigas Avenue Extension
- Quezon City Hall — Muñoz
Ayon sa Quezon City local government unit (LGU), layon ng programa na mabigyan ng maayos at ligtas na transportasyon ang mga commuter sa lungsod.
Nasa Facebook page naman ng QC government ang schedule ng oras ng biyahe ng mga nasabing bus mula sa drop off point.
Good news, QCitizens!
Aarangkada na ang Quezon City Bus Augmentation Program simula December 7. Libreng transportasyon ito para sa mga residente ng QC.
Kasalukuyang mayroong walong (8) ruta ang programang ito na dadaan sa mga pangunahing kalsada: pic.twitter.com/Z5nV8F258c
— Quezon City Government (@QCGov) December 6, 2020