Inirekomenda ng MMDA o Metro Manila Development Authority sa LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board na tanggalan ng prangkisa ang First North Luzon Bus Transit.
Kabilang ang naturang kumpanya sa siyam na bus terminal sa kahabaan ng EDSA na ipinasara ng MMDA matapos makitaan ng paglabag.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, garapalan ang naging pagsuway bus transit sa kanilang ipinalabas na closure order.
Matatandaang, ilang oras lamang pagkatapos ipasara ang nasabing kompanya ay muling itong nag-operate dahilang upang arestuhin ang kanilang mga opisyal at i – impound ang lahat ng bus na pag mamay – ari nito.