Inararo ng isang bus ang mga barrier sa EDSA Northbound malapit sa bahagi ng Kamuning.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang naaksidenteng Dagupan Bus ay pribadong service ng isang kumpanya kaya’t hindi ito dapat dumaan sa loob ng EDSA Busway.
Nahagip din ng Dagupan Bus ang isa pang pampasaherong bus.
Masyado umanong mabilis ang takbo ng private service na bus habang dumadaan sa busway.
Kaagad namang inalis sa busway ang naaksidenteng bus para hindi makaabala sa biyahe sa EDSA Carousel.
MMDA ALERT: Vehicular accident at EDSA Q.Mart NB involving 2 buses as of 5:55 AM. 1 lane occupied. MMDA assisted. #mmda pic.twitter.com/onH24FjmdF
— Official MMDA (@MMDA) November 29, 2020