Aabot sa 22 katao ang nasawi matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang bus sa Northern India.
Batay sa ulat, may lulan ang bus na 30 pasahero, kung saan pito ang sugatan at isa naman ang nawawala.
Sinabi naman ni home minister Amit Shah na nakausap niya na ang state chief minister kaugnay sa insidente at patuloy aniya ang rescue operations sa lugar.
Ayon kay district police superintendent Arpan Yaduvanshi, posible pang madagdagan ang bilang ng mga nasawi sa naganap na aksidente.