Planong ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na maglabas ng show cause order sa mga bus operator ng mga driver na nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga nitong Semana Santa.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, dapat ipaliwanag ng mga bus operator kung bakit hindi dapat parusahan ang mga ito, sa kabila ng pagkakaroon ng mga driver na nag-positibo sa paggamit ng droga.
Dagdag pa ni Chairman Guadiz, banta sa kaligtasan ng mga pasahero ang pagkakaroon ng driver na nasa impluwensya ng iligal na droga.
Batay sa isinagawang Oplan: Harabas ng Philippine Drug Enforcement Agency noong April 16, nagpositibo ang 84 na Public Utility Vehicle Driver; kabilang dito ang 13 Bus Driver, 19 na Jeepney Driver, at 47 Tricycle Driver.—sa panulat ni John Riz Calata