Itinaas na sa catastrophic status ang sitwasyon sa ilang lugar sa Australia dahil sa nagpapatuloy na bush fire.
Ang catastrophic status ay nangangahulugang hindi na kaya ng mga bumberong apulahin ang apoy.
Nasa mahigit 100 paaralan na rin ang pansamantalang ipinasara dahiln isa na itong “high risk zone”.
Ayon sa New South Wales Bureau of Meteorology, bumaba na sa hazardous level ang kalidad ng hangin sa Sydney.
Samantala, pinaghahanda na rin ng lokal na pamahalaan ang mga residente sa paglikas dahil inaasahang aabot na sa 42 degrees celsius ang init sa lugar.