Kumpiyansa ang Malakanyang na tataas pa ang business at consumer confidence kasunod ng pagtatapos ng digmaan sa Marawi City.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang rehabilitasyon sa nasirang lungsod ay tiyak na magre-resulta sa peace building efforts ng gobyerno na magbubukas ng maraming economic opportunities.
Sa ngayon aniya ay nagsisimula ng mamuhunan ang pamahalaan sa imprastruktura bilang bahagi ng ikinakasang reconstruction and rehabilitation program sa Marawi.
Aniya, asahan na din na ang kasunod nito’y maraming trabaho na naghihintay para sa mga mamamayan.