Nakatakdang talakayin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang mga pamumuhunan na inaasahang bubuo ng daan-daang trabaho para sa mga Pilipino sa European Business Executive sa Brussels sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Foireign Affairs (DFA) assistant secretary Daniel Espiritu, inaasahang magkakaroon ng roundtable meeting si Pangulong Marcos sa mga European Firms upang pagusapan ang business at investment opportunities sa bansa.
Makikipagpulong anya ang Pangulo sa mga opisyal mula sa Unilever na nag-nanais na palawakin ang operasyon nito sa Cavite.
Inaasahan din sa pulong ang Acciona na isang kumpanya ng imprastraktura at renewable energy.
Samantala, magbibigay naman si Pangulong Bongbong Marcos ng kanyang mga pahayag sa 10th ASEAN-EU Business Summit na nakatakda sa Dis. 13. —sa panulat ni Jenn Patrolla