Muling kinilala ang galing ng Business Mirror sa 2019 Binhi Awards.
Sa nasabing patimpalak na ginanap sa tanggapan ng Department of Agriculture (DA) iginawad sa Business Mirror ang pitong pagkilala na kinabibilangan ng mga bagong kategorya sa larangan na journalism.
Kabilang sa ginawaran ng pagkilala ang agriculture reporter ng naturang pahayagan na si Jasper Arcalas na kinilala bilang best agriculture journalist sa ika’tlong pagkakataon.
Back-to-back din ang pagkakatanghal sa agri-commodities page ng business mirror bilang Best Agriculture Page.
Bukod pa rito, kinilala rin ang galing ni environment reporter Jonathan Mayuga makaraang i-uwi ang ikalawang pwesto Best Environment Journalist of the Year at pagkilala sa istoryang sumasalamin sa water sustainability.
Tinanggap din ng ‘broader look’ team ng business mirror ang rice reporting award mula sa SL-agritech para sa investigative report nito na “pre- and post-rice trade liberalization law, big traders gaming farmer groups” na inilathala noong Oktubre 2019.
Ang pagkilala sa isang istorya na tumututok sa agri-financing, sa panulat nina agriculture reporter Jasper Arcalas at banking reporter Bianca Cuaresma.
Mababatid na ang pagkilala sa Business Mirror ay nataon sa nalalapit na ika-15 taong pagdiriwang nito sa larangan ng pahayagan.