Nagpalabas ng tubig ang Bustos Dam matapos ang ilang araw na pag-ulan na naranasan sa Bulacan.
Ito ang kinumpirma ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO).
Ayon kay PDRRMO Chief Liz Mungcal, ito ay dahil nasa 17.53 meters na ang water level nito, mas mataas kumpara sa “flood season water level” na dapat aniya ay 17.50 meters lang.
Dagdag pa ni Mungcal, nasa 25 cubic meters per second na ang kanilang naipalabas mula sa gates 1 at 2 simula pa noong Martes.
Samantala, nakapagtala naman ng hanggang tuhod na pagbaha sa ilang bahagi ng Marilao, Bocaue at Meycauyan City sa Bulacan. — sa panulat ni Marilen Reyes