Lumakas pa ang bagyong Butchoy habang napanatili nito ang kanyang bilis at direksyon.
Ang sentro ng bagyong Butchoy ay pinakahuling namataan sa layong 860 kilometro silangan ng Calayan, Cagayan.
Taglay ng bagyong Butchoy ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 195 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 230 kilometro kada oras.
Ang bagyong butchoy ay tinatayang kikilos pa-hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Ang public storm signal number 1 ay nakataas sa Batanes Group of Islands.
Ang bagyong Butchoy ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility sa Sabado ng umaga.
By Judith Larino