Nilinaw ng Department of Agriculture o DA na negatibo pa rin sa bird flu ang Mindanao kasunod ng balitang may mga nangamatay nang itik sa Butuan City.
Ayon kay Bureau of Animal Industry Animal Disease and Control Division Arlene Vytiaco, tinukoy sa isinagawang inspeksyon na poor management naging ugat kaya namatay ang hindi bababa sa 20 itik ng isang backyard duck raiser sa naturang syudad.
Nagkaroon ng kakulangan sa oxygen dahil sa siksikan at sobrang dami ng itik sa kulungan bukod pa sa walang maayos na suplay ng tubig.
Bukod sa naturang insidente ay hindi na nasundan pa ang pagkamatay ng mga itik at wala ring naitalang kahalintulad na insidente sa iba pang poultry farm sa lugar.
By Rianne Briones