Positibo sa polio virus ang Butuanon River sa Mandaue City, Cebu.
Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH), batay na rin sa isinagawang test ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM) sa nakuhang sample mula sa ilog.
Dahil dito, sinabi ng DOH na mahigpit na silang nakikipag-ugnayan sa World Health Organization (WHO) para sa pagkakasa ng angkop na pagpapabakuna.
Inayudahan na rin ng ahensiya ang mga siyudad ng Cabanatuan at Mandaue para mas mapaigting ang kapasidad ng mga ito sa acute flaccid paralysis surveillance.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, mahalagang magkaroon ng maagang detection sa pagsisimula pa lamang ng acute paralysis sa mga bata.
Iginiit ni Duque, patuloy ang mga ginagawang hakbang ng DOH para sa agarang pag-diagnose at pagpapagamot sa lahat ng posibleng kaso ng polio lalo na’t may ebidensiya silang patuloy ang pagkalat ng nabanggit na virus.