Idineklara bilang “Golden Month” ang buwan ng Hulyo bilang pagbibigay pugay sa mga kababaihang atleta.
Kinilala ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga kababaihang atleta na nagpakita ng galing sa sports ng karate, weightlifting, at football, na nagbigay karangalan para sa bansa.
Ayon kay PSC Officer in Charge, Guillermo Iroy Jr., ang mga kababaihan ay puno ng tagumpay at talento sa naganap na mga kompetisyon o pampalakasan, kaya dapat itong ipagdiwang at ipagmalaki.
Sinabi ni Iroy, na ang natanggap na karangalan ng bansa ay patunay lamang na kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa ibang mga bansa pagdating sa mundo ng sports.