Inihayag ng CPDRC o Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center na ititigil na ang buwanang dance performances ng tinaguriang “Cebu dancing inmates”.
Ayon kay CPDRC Acting Warden Dr. Gil Macato, magiging “per request basis” na lang ang pagtatanghal ng mga nabanggit na preso.
Hindi naman nagbigay ng konkretong dahilan si Macato kung bakit hindi na gagawin ang regular dance presentation schedule na Cebu dancing inmates.
Matatandaang naging tanyag ang Cebu dancing inmates dahil sa mga video ng kanilang pagsasayaw na naka-upload sa Youtube.
By: Meann Tanbio