Kapos pa rin ang kinikita ng mga manggagawang Pilipino para buhayin ang isang pamilya.
Ito’y kahit pa itinaas na ang arawang sahod ng mga obrero sa halos lahat ng rehiyon sa bansa.
Ayon sa IBON Foundation, aabot sa P1,133 ang family living wage pero P570 lamang ang arawang sahod sa National Capital Region (NCR).
Sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang pinakamababang minimum wage na P341 lamang kumpara sa family living wage na higit P1,900.
Magugunitang itinaas ng Regional Wage Board ng DOLE ang arawang sahod sa halos lahat ng rehiyon ngayong taon at ang NCR ang may pinakamataas na minimum wage. —sa panulat ni Jenn Patrolla