Binuweltahan ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang Ombudsman matapos kasuhan si dating Makati City Mayor Junjun Binay.
Sinabi Atty. Rico Quicho, Spokesman ni Binay na dapat patunayan ng Ombudsman na wala itong pinapanigan kayat dapat ding kasuhan si presidentiable Mar Roxas na pambato ng administrasyon.
Kasunod na rin ito aniya nang pagdadawit ni dating Metro Rail Transit (MRT)- 3 General Manager Al Vitangcol kay Roxas sa maanomalyang kontrata sa MRT.
Una nang inihayag ng kampo ni Binay na bahagi pa rin ng demolition job laban sa Vice President ang pagsasampa ng mga kaso laban sa batang Binay.
By Judith Larino