Hinimok ni National Democratic Front o NDF Founding Chairman Jose Maria Sison ang mga miyembro ng New People’s Army na magsagawa ng mas maraming pag-atake laban sa gobyerno.
Ginawa ni Sison ang kautusan matapos arestuhin ng mga pulis kamakailan si NDF consultant Rafael Baylosis sa Quezon City.
Giit ni Sison may kakayahan ang NPA na pumatay ng isang sundalo kada araw sa labimpitong (17) rehiyon sa bansa.
Nangangahulugan aniya ito na aabot sa limang daan at sampung (510) sundalo ang malalagas sa tropa ng pamahalaan kada buwan.
Sa kabila ng panghihimok ni Sison sa NPA, pinayuhan naman nito ang rebeldeng grupo na igalang pa rin ang Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees o JASIG.
Pero binigyang diin ni Presidential Spokesman Harry Roque na wala nang saysay ang JASIG dahil matagal nang kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok na usaping pangkapayapaan sa rebeldeng grupo.
—-