Dapat umanong pansamantalang suspendihin ang mga buwis na ipinapataw sa mga local movies sa bansa.
Kasunod ito ng muling pagbaba ng alert level system sa bansa kung saan, pinapayagan nang muling makapagbukas ang mga sinehan dahil sa pagbaba ng mga naitatalang kaso ng COVID-19.
Ayon kay De Venecia, malaki ang mababawas sa kita ng mga local film production dahil isa ang mga movie at entertainment industry sa pinaka apektado sa gitna ng pandemya kaya dapat na suspendihin muna ang mga buwis nito.
Ang nasabing hirit ay nakapaloob sa inaprubahang House Bill No. 8428 sa committee level na may layuning mabigyan ng dalawang taong suspensyon sa koleksyon ng amusement taxes ang creative arts sector.
Sakaling payagan ang naturang hiling ay mas matutulungan nitong makabangon ang mga kumpaniyang nalugi maging ang ekonomiya ng bansa.—sa panulat ni Angelica Doctolero