Plano ng pamahalaan na doblehin ang buwis ng mga alcoholic drinks tulad ng beer sa ilalim ng panukalang TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law.
Sa ilalim ng panukala ng Department of Finance (DOF), aabot sa 40 pesos kada litro ang pagtaas ng buwis sa beer pagsapit ng taong 2020 mula sa kasalukuyang 24 pesos at 44 centavos kada litro.
Madagdagan pa ito ng limang piso kada taon kung saan aabot na sa 55 pesos kada litro ang buwis sa beer sa taong 2023.
Kabilang din sa tataasan ng buwis ang mga distilled spirits tulad ng Brandy, Rum at Gin.
Gayundin ang iba’t ibang uri ng wine at champaigne bagamat mas mababa ang tax hike nito kumpara sa mga distilled spirits.
Sinabi naman ng DOF na health reasons ang dahilan ng panukalang pagtataas sa buwis ng mga alcoholic drinks at hindi dagdag kita.