Wala nang buwis sa mga ipinapadala ng mga Overseas Filipino Workers o OFWs sa kanilang mga kamag-anak sa Pilipinas.
Ito’y matapos lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang Customs Modernization and Tariff Act o CMTA na nagtataas ng tax-exempt value ng mga padala ng mga manggagawang Pinoy sa ibayong dagat.
Layon din umano ng batas na i-reporma ang luma at bulok nang sistema sa Customs na nagpapahirap sa mga OFWs.
Sa ilalim ng CMTA o Republic Act 10863, ang tax exemption ceiling ay itinaas sa P150,000 mula sa dating P10,000.
By Jelbert Perdez