Itinutulak ni Cong. Joey Salceda na buwisan ang Facebook, Google at Netflix.
Ayon kay Salceda, malabong makasingil agad ng buwis ang pamahalaan sa mga negosyo sa Pilipinas pagkatapos ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic dahil nakadapa ang halos lahat ng negosyo sa bansa.
Sa harap anya ng COVID-19 pandemic, ang tanging gumana at nakinabang ng husto sa sitwasyon ay ang digital economy dahil gamit na gamit ito sa panahon ng quarantine.
..na dapat pag ikaw ay e-commerce platform, automatic ikaw ang withholding agent –para ‘yan po sa Lazada. Pangalawa, para sa mga Facebook, Google, Netflix, kailangan bago ka mag-offer dito ng services, kailangan mayroon kang opisina dito,” ani Salceda.
Ayon kay Salceda, panahon na rin para gawing patas ang patakaran sa pagbubuwis.
Halimbawa anya ay ang Lazada na nagbabayad ng buwis na P15-bilyon kada taon pero ang mga nagtitinda sa Lazada lalo na ang mga imported brands ay libre sa buwis.
Kailangan sila magcontribute, mag-ambag dahil unang-una, para sa economic development at saan sila nakikinabang, at para sa rule of law, para sa enforcement ng contract, so, para sa kanila rin ‘yan,” ani Salceda. —sa panayam ng Ratsada Balita