30 minutos na pinaaga ang byahe ng mga bus sa MRT 3 kasunod ng suspensyon pansamantala ng operasyon nito.
Simula ngayon araw na ito ay alas singko ng madaling araw ang unang biyahe ng bus sa ilalim ng bus augmentation program mula sa North at Quezon Avenue Stations.
Ang temporary shutdown ng MRT 3 ay ipinatupad para bigyang daan ang malawakang swab testing ng lahat ng mga empleyado nito.