Umarangkada na ngayon ang mahigit sa 4,000 city buses sa Metro Manila.
Ayon kay Engr. Bert Suansing, full operations na ang pinapayagan ngayon sa mga city buses sa itinakda nilang 31 ruta.
Kasabay aniya ng city buses ang mahigit sa 300 modern jeepneys na papayagan munang tumakbo sa 15 ruta.
Kasi ang ginagawa rin ng DOTr is yung pag-resume ng mga operation ng publoc transport natin is calculated, gradual dahil kasi yung mandate ng departamento is transportasyon that we balance this with our responsibility na mapangalagaan din ang kalusugan ng mga mamamayan para yung pagkakaroon ng hawaan maiwasan,” ani Suansing.
Ayon kay Suansing, bago matapos ang Hunyo ay aarangkada na rin ang mga UV express at tradisyunal na mga jeepneys.
Hindi aniya nasama sa unang phase na sinimulan sa araw na ito ang mga uv express dahil may mga isyu pa sa kanilang operasyon.
UV express nga ang tawag sa kanila pero ang nangyayari namamasada sila na parang jeepney, labas yun sa kanilang prangkisa na binigay; na kapag sinabing express point-to-point yan dapat yung bayaran nung pamasahe dapat card system na,” ani Suansing. — panayam mula sa Ratsada Balita at Balitang Todong Lakas.
TINGNAN: Mga ruta para sa mga modern jeepneys na pinayagang bumiyahe ng DOTr pic.twitter.com/xWYdvD3rFE
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) June 22, 2020