Sinuspinde ang biyahe ng mga eroplano sa nag-iisang gumaganang airport sa Tripoli, Libya.
Bunsod ito ng mas tumitinding tensyon sa lugar kung saan sunod-sunod ang pagpapa-ulan ng mga rocket at pambobomba sa kasabay ng pagsiklab ng protesta ng mga taga Eastern Libya.
Ito ay bilang pagtutol naman sa plano ng Turkish parliamentary na magpadala ng military support sa government of nation accord sa Tripoli.
Batay sa pinakahuling ulat ng United Nations, hindi bababa sa 11 ang bilang nang nasawi sa pagtindi ng mga air strike at pambobomba sa Tripoli at mga kalapit na lugar nito.