Naparalisa ang mga pangunahing ruta sa kalakhang Maynila dahil sa tigil-pasada na inilunsad bilang protesta sa planong phase out ng mga lumang pampasaherong jeepney.
Ayon sa Manila Traffic and Parking Bureau, ramdam ang epekto ng tigil-pasada sa Leon Guinto, Argoncillo, at mga rutang patungo at pabalik sa Makati, Divisoria, Baclaran at Sta. Ana.
Wala rin ang mga byaheng Sta. Ana – Taft, Guadalupe Ilalim, San Andres-Onyx, Novaliches – Blumentritt, Blumentritt – Quiapo Ilalim, at Taft Avenue – Faura.
Gayunpaman, ayon sa mga otoridad, naging mapayapa ang nasabing tigil pasada dahil sa mabilis na pagpapakalat ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at Manila Police District ng mga bus at six-wheeler truck para maisakay ang mga stranded na pasahero.
Samantala, hanggang 5:00 ng hapon ang mga libreng sakay.
By Avee Devierte | Report from Aya Yupangco