Balik na sa normal ang biyahe sa mga karagatan sa Central Visayas ayon kay Philippine Coast Guard Central Visayas Spokesperson Ensign Jordz Emata.
Ito’y matapos pansamantalang suspendihin ang mga biyahe dahil sa hagupit ng Bagyong Paeng
Ayon kay Emata, kalmado naman na at bumuti na ang kondisyon ng karagatan sa rehiyon.
Habang kabilang sa mga biyaheng pinapayagan na ay ang mga biyahe patungong Bohol, Southern Leyte, Seaboards ng Mindanao at iba pa.
Nabatid 1,395 na pasahero, 341 rolling cargoes at 62 na sasakyang pandagat ang na-stranded dahil sa suspensiyon ng mga biyahe sa nasabing rehiyon