Humigit kumulang sa 1,500 pasahero sa pantalan ng Batangas ang na-stranded dahil sa Bagyong Nina.
Kinansela ng Philippine Coast Guard ang byahe ng mga barko sa nasabing probinsya.
Pinapasok rin ang mga na-stranded na pasahero, drayber at pahinante sa loob ng terminal bilang paghahanda sa bagyo kung saan nakataas na sa Signal #2 ang probinsya ng Batangas.
Nakataas na rin sa Signal #2 ang Quezon kasama rito ang Polilio Island, Marinduque, Masbate, Ticao, Burias Islands, Sorsogon, Oriental Mindoro, Laguna, Romblon at Northern Samar.
By: Race Perez / Robert Eugenio