Kinumpirma ni Dr. Chuang Shuk-kwan, head ng Communicable Disease Branch ng Hong Kong’s Center for Health Protection na positibo sa bagong COVID-19 variant ang isang pasaherong lulan ng Philippine Airlines flight PR300 na patungong Hongkong nitong Disyembre 22.
Ito ay matapos ang isinagawang COVID-19 test ng mga otoridad ng Hongkong sa naturang pasahero.
Samantala, ilan rin sa mga natukoy na positibo sa COVID-19 variant ay mula naman sa United Kingdom at France.
Matatandaang una ng tiniyak ni DOH Secretary Francisco Duque III nitong Disyembre 23 nang nakaraang taon na wala pang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.—sa panulat ni Agustina Nolasco