Nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Duterte kay PLDT o Philippine Long Distance Telephone Company Chair at CEO Manuel v. Pangilinan.
Ito’y makaraang ibalik na ni Pangilinan sa pamahalaan ang Connectivity Unlimited Resource Enterprise o CURE frequency na nakuha ng PLDT may ilang taon na ang nakalilipas.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ginawa ni Pangilinan ang hakbang makaraang magbanta ang Pangulo na hindi niya sasantuhin ang mga kumpaniya na haharang sa pagpasok ng ikatlong Telco player sa bansa.
Una nang inihayag ng Department of Information and Communications Technology na kailangang mabigyan ng connectivity ang ikatlong Telco player para sa LTE at 3G na siyang ginamit naman ng Smart-PLDT nuong ilunsad nito sa merkado ang Red Mobile.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio