Hindi pa maituturing na variant of interest o concern ng WHO ang C12 variant na una nang na detect sa South Africa.
Ayon ito kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bagamat nagsumite na ng samples sa WHO ang mga otoridad sa South Africa para mapag-aralan kung dapat nang ituring na variant of concern ang C12 variant.
Lumalabas sa paunang pagaaral na tumaas ang transmissibility nito o mabilis na paghawa at maaaring makaapekto sa immunity mula sa COVID-19 vaccines.