Tinangkang itaboy ng China ang C130 plane ng Philippine Air Force bago ito nakalapag sa Pag-asa Island kaninang umaga kung saan lulan si Defense Secretary Delfin Lorenzana at iba pang kawani ng media.
Galing ang mga babala sa mga Tsinong naka-istasyon sa Subi Reef na ilang milya lamang ang layo mula sa Pag-asa Island.
Ayon Lorenzana, normal na proseso lang ang ginawang panghahamon na ito ng mga Tsino.
Tumugon naman aniya rito ang Philippine Air Force sa pamamagitan ng radyo at iginiit na teritoryo ng Pilipinas ang nililiparan ng eroplano.
Ligtas namang nakalapag sa Pag-asa Island ang C130 plane na sinasakyan ni Lorenzana.
By Meann Tanbio |With Report from Jonathan Andal