Inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang singil sa unang 2.2-kilometer segment ng C5 South Link Expressway at dagdag-singil sa toll fee sa Manila-Cavite Toll Expressway (Cavitex).
Ayon sa Metro Pacific Tollways South Management Corporation, ang provisional initial toll para sa C5 South Link Expressway ay kokolektahin sa mga motorista simula sa October 24.
Ang bagong singil sa toll fee sa unang 2.2-kilometer segment ng C5 South Link ay:
- P22 para sa class vehicles o mga kotse,
- P44 para sa class 2 vehicles o mini vans at buses, at
- P66 para sa class 3 vehicles o malalaking truck at trailers.
Samantala, ang bagong toll fee rate sa Cavite ay:
- P25 mula sa P24 para sa class 1 vehicles,
- P50 mula sa P48 pesos para sa class vehicles, at
- P75 pesos mula sa P72 pesos sa class 3 vehicles.
Sinabi ng Metro Pacific Tollways na tuloy-tuloy ang trabaho ng Cavitex Infrastructure Corporation sa P1.1-billion-enhancement ng Cavitex; ang phase 1 ay ang P980-million na pagpapalawak sa mga lanes at konstruksyon ng left-turn facility sa Marina Flyover na nagbukas noong December 2018.