Kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) ang nominasyon at ad interim appointment ni Presidential Daughter, Davao City Mayor Sara Duterte bilang Army Reservist.
Kasama ni Mayor Duterte si Davao City Representative Isidro Ungab na kapwa nya may ranggong Colonel.
Lusot na rin sa CA si Navy Vice Admiral Giovannie Carlo Bacordo at 19 pang Senior Military Officers.
Kinumpirma rin ng CA ang nominasyon ng dalawang ambassadors extraordinary at plenipotentiary ng DFA at inaprubahan ang promosyon ng 10 senior officers’ ng DFA.