Pinagtibay ng Court of Appeals ang naging hatol ng mababang hukuman laban sa isang miyembro ng Manila Traffic Parking Bureau o MTPB na umano’y nangotong sa isang truck operator noong 2017.
Sa desisyon ng 15th division ng CA, kinatigan nito ang naging hatol naman ng Manila Regional Trial Court Branch 30 kung saan pinatawan ng 4 hanggang 6 na taong pagkakakulong ang akusadong si Enrique Duque matapos mapatunayang guilty sa kasong simple robbery.
Nahuli si Duque noong june 1, 2017 sa Moriones, Tondo matapos umanong kotongan ng halagang P900 ang towing truck operator na si Mark Bien Urieta bilang “SOP”.
Ayon sa CA, ang pagkuha ng pera ni Duque mula kay Urieta ay maituturing nang simple robbery kaya’t tama lamang ang naging pasya ng mababang korte laban sa akusado. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico