Isinailalim sa drug test ang lahat ng mga empleyado ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.
Ito’y upang matiyak na drug-free ang mga tauhan nito at karapat-dapat na maglingkod sa ahensya.
Ang drug testing ay isinagawa ng Office of the Flight Surgeon and Aviation Medicine o OFSAM sa mahigit 200 kawani sa Tacloban, Masbate at Laoag Airports.
Sa ulat ni OFSAM Chief Dr. Rolly Bayaban kay CAAP Director General William Hotchkiss III, 2 personnel mula sa Masbate airport ang nagpositibo umano sa paggamit ng bawal na droga.
Gayunman, dadaan pa umano sa tinatawag na confirmatory test ang mga naturang empleyado.
By Jelbert Perdez