Pansamantalang balik operasyon na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA), matapos ang aberya sa Air Traffic System.
Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na pansamantalang nagpatuloy ang operasyon ng paliparan bandang alas-4 ng hapon at ipinagpatuloy ito sa oras ng 5:50 ng hapon.
Dagdag pa ng DOTr, bumagsak ang Air Traffic Management Center dahil sa pagkawala ng kuryente bandang 9:49 ng umaga.
Lumapag ang unang flight na mula sa Brisbane, Australia pagkatapos ng anim na oras habang aalis patungong Hong Kong ang unang flight sa NAIA.
Bukod pa rito, ang naging sanhi nito ay dahil sa pasilidad ng air navigation ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Ayon sa CAAP na nakipag-ugnayan na sila sa mga airline para matulungan ang mga apektadong pasahero.
Pinayagan na rin ng 24/7 ang operasyon ng mga airline upang mas maraming flights. —sa panulat ni Jenn Patrolla