Ang 44 na commercial operating airport ng Civil Aviation Authority of Philippines (CAAP) ay nakahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na gagamit ng nasabing mga paliparan ngayong kapaskuhan.
Sa pinalabas na paalala ng tangapan ni Atty. Danjun Lucas, deputy director general for administration ng CAAP, hinikayat ang mga official at kawani na panatilihing maayos ang mga pasilidad ng mga paliparan tulad ng malinis na palikuran, dagdag na upuan, baggage carts, operational escalators at elevators at malasakit help desk upang magabayan ang mga pangangailangan ng mga pasaherong gagamit ng mga paliparan.
Ayon sa datos ng taong 2019, ang CAAP Airports ay nagsilbi sa 29,258,258 pasahero mula January to December 2019, at 2,537,774 pasahero ang bumiyahe sa buwan ng Disyembre.
Sa taong ito (2022) humigit kumulang 18 milyon ang gumamit ng paliparan mula Enero hangang Nobyembre at inaasahang mga 2.9 million biyahero ang mag lalakbay mgayon panahon ng kapaskuhan base na rin sa pag dagdag ng flights galing South Korea at Taiwan, at ang muling pagbubukas sa commercial operations ng Baguio-Loacan at Borongan airports. — sa panulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)