Iniimbestigahan na ng Aircraft Accident Investigation Board ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang kaso ng Cebu Pacific flight na DG 6577, na pupunta sana sa Tacloban mula sa Cebu.
Kahapon ay nabigong makapag take off ang ATR aircraft matapos umusok ang gulong nito dahil sa pagtagas ng langis.
Ayon sa CAAP, nakikipag tulungan sa kanila ang pamunuan ng airline na nagsabing kanila na din ipinarating sa manufacturer ang insidente.
Sinasabing bagong deliver lamang ang ATR aircrafts ng naturang airline, kasama ang umusok ang gulong.
By: Katrina Valle / Raoul Esperas