Pinalawig ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang notice to airmen (NOTAM) hinggil sa pag-alburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.
Pinayuhan ng CAAP ang mga piloto na dapat may taas na 10,000 feet ang pagpapalipad upang maiwasang mahigop ng makina ng eroplano ang abo na ibinubuga ng bulkan.
Epektibo ang NOTAM kahapon ng umaga at mananatili ito hanggang October 19, Miyerkules ng umaga. —sa panulat ni Jenn Patrolla