Muling binuksan ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang Legazpi City Airport para sa commercial operations nito sa gitna ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Albay.
Ayon sa CAAP, simula ala 6:00 ngayong umaga hanggang ala 5:00 mamayang hapon operational ang paliparan hanggang Miyerkules, Enero 31.
Bukod sa Legazpi, operational din ang Naga Airport sa Camarines Sur at Masbate Airport depende sa sitwasyon ng himapapawid.
Samantala, inabisuhan naman ng CAAP ang piloto na bumibyahe malapit sa bulkan na maging maingat lalo’t ang abo mula sa volcanic eruption ay peligroso para sa mga eroplano.