Muling nag-isyu ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen para sa mga piloto dahil sa abnormalidad ng bulkang Mayon sa Albay.
Ipinaliwanag ni Erick Apolonio, CAAP spokesman, hangga’t hindi bumabalik sa normal ang kondisyon ng bulkang Mayon, tuloy-tuloy ang pag-iral ng Notice to Airmen o NOTAM.
Nagsimula nang umiral ang NOTAM kaninang alas-9 ng umaga hanggang bukas, alas-9 ng umaga.
Dahil nasa alert level 2 ang Mayon volcano, ipinagbabawal ang mga flight na mag-operate ng 10,000 feet mula sa ibabaw at pinayuhan na iwasang lumipad malapit sa nasabing bulkan.