Pinaalalahanan ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang mga piloto partikular ang mga nag o–operate sa general aviation area ng paliparan na sundin ang air restrictions nito.
Ito ay matapos pagmultahin ng P20,000 penalty at nanganganib na matanggalan ng lisensya si Capt. Giovanni Bas, dahil sa ilang paglabag sa alituntunin ng paliparan.
Ayon kay CAAP Dir. Gen. William Hotchkiss, napatunayan sa kanilang imbestigasyon na nabigo si Bas na makipag coordinate sa control tower, nang ito ay magpalipad ng helicopter noong Hulyo 16.
By: Katrina Valle | Raoul Esperas ( Patrol 45)