Nagbabala sa publiko ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kaugnay sa ginagawang panunulisit ng ilang grupo gamit ang pangalan ng kanilang ahensya.
Ayon sa CAAP, dapat maging alerto ang bawat isa dahil kumakalat ngayon sa Metro Manila ang ilang indibidwal na nanghihingi umano ng cash donations at pinalalabas na sila’y mga miyembro ng ahensya.
Napag-alaman na ginagamit ng mga salarin ang tanggapan ng Director General at tumatawag sa kanilang mga supplier, clients, o stakeholders para manghingi ng cash donation na gagamitin umano ngayong kapaskuhan.
Dahil dito nanawagan ang CAAP, na agad i-report sa kanilang tanggapan ang anumang uri ng aktibidad na may kinalaman sa pag-so-solicit para agad na masampahan ng kaukulang kaso at mapanagot ang mga nasa likod ng panloloko. —ulat mula kay Raoul Esperas (Patrol 45)