Naghahanda na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa inaasahang dagsa ng mga pasahero sa mga airports ngayong Holy Week.
Ayon sa CAAP, karagdagang paghahanda ang kanilang ginawa upang matiyak na ligtas, maaasahan at maginhawa ang operasyon sa lahat ng commercial airports mula Abril 10 hanggang 18.
Isasagawa naman ng CAAP ang Maximum Deployment of Service maging ang kanilang security personnel.
Noong nakaraang Semana Santa, nasa 231,479 pasahero ang dumating sa bansa pero mababa pa rin sa naitalang 2.75 milyon noong 2019. —sa panulat ni Abby Malanday