Suspendido ang lahat ng passenger, commercial, domestic at international flights, patungo at palabas ng Pilipinas sa 9 na mga paliparan sa buong bansa.
Alinsunod sa ipinalabas na Notice to Airmen (NOTAM) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), epektibo ang suspensyon sa lahat ng mga flights sa loob ng isang linggo simula ngayong araw.
Sakop ng abiso ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at mga international airport ng Clark, Davao, Iloilo, Mactan-Cebu, Zamboanga, Kalibo, Laoag at Puerto Princesa.
Samantala, sinabi ng CAAP na magpapatuloy pa rin ang cargo, sweeper flights, medical, utility at maintenance flights.
Una nang sinuspinde ng MIAA ang lahat ng passenger at commercial flight mula at patungong Pilipinas simula kaninang 8:00 ng umaga.