Nagpalabas ng Notice to Airmen o NOTAM ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil sa deklarasyon ng alert level 1 sa Bulkang Bulusan sa Sorsogon at Kanlaon sa Negros Provinces.
Ayon kay CAAP Spokesman Eric Apolonio, pinapayuhan ang mga airline na iwasan ng kanilang mga piloto ang pagbiyahe malapit sa tuktok ng dalawang bulkan dahil sa posibleng pagsabog na magreresulta sa pagbuga ng abo na mapanganib sa mga eroplano.
Epektibo ang NOTAM simula 8:00 hanggang 9:00 ng umaga ng Biyernes.
Batay sa report ng National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC, anim na pagyanig ang naitala sa Kanlaon Volcano sa nakalipas na 24 oras habang dalawa naman sa Bulusan.
By Drew Nacino | Report from Raoul Esperas