Nangangailangan ang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP ng mahigit 500 air traffic controllers.
Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, kinakailangan nila ng dagdag na air traffic controller para sa pagbubukas ng bagong navigational equipment service ng CAAP sa loob ng limang taon.
Ipinabatid ni Apolonio na ang mga maha-hire ay itatalaga sa may 80 palirapan sa bansa at sasailalim sa 6 na buwang training.
Ang mga makukuha sa nabanggit na posisyon ay tatanggap ng minimum na sahod na naglalaro sa P47,000 hanggang P50,000, maliban pa sa overtime pay.
Ang air traffic controller ang nangangasiwa sa pag-landing at pag-take off ng mga eroplano sa mga international at domestic airport sa bansa.
By Meann Tanbio | Raoul Esperas (Patrol 45)