Pinagsusumite ng Governance Commission for GOCC’s (GCG) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng report kaugnay sa naganap na aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nuong January 1.
Batay sa record ng GCG, ang Communications, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management System (CNS/ATM) ng CAAP ay strategic target sa 2017 performance scorecard ng CAAP at ang transition at implementasyon nito ay bahagi ng strategic target ng ahensya para sa 2018 at 2019 scorecards nito.
Binigyang-diin ni GCG Chairperson Alex Quiroz na sa pamamagitan ng nasabing report ay bubuo sila ng mga hakbangin kung paano mas masusuportahan pa ang CAAP upang maiwasan ang anumang aberya at hindi na maulit ang nangyari sa naia sa unang araw ng bagong taon.
Makakatulong din aniya ang CAAP report para matiyak ang maayos na paggana at pangangasiwa sa air navigation systems ng bansa.