Pinamamadali na ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP sa kanilang mga engineering team ang pagsasaayos ng runway ng Surigao airport na napinsala ng magnitude 6.7 na lindol.
Nag-issue rin ang CAAP ng notice to airmen hinggil sa pagsasara ng operasyon sa naturang paliparan epektibo hanggang Marso 10.
Bagaman nasira ang runway, nakaranas lamang ng bahagyang pinsala ang airport terminal gaya ng mga basag na bintana at nagkabitak-bitak na sahig.
Pinayuhan naman ng CAAP ang mga pasahero na kumuha na lamang ng flights patungong Butuan airport dahil ito ang pinaka-malapit na paliparan sa Surigao City pero aabutin ng dalawang oras ang land travel.
By: Drew Nacino